Isang tulang terzanelle —

Masanay ka na siguro, kaunti na lang
malapit na rin kitang iwanan,
kayo na tinawag kong akin,

ang lugar na itong binalik-balikan.
Sa kahabaan ng kalsada ng Majaas,
malapit na rin kitang iwanan.

Kaya maghanda na tayo, tayong dalawa,
dalawang tao na parehong napamahal
sa kahabaan ng kalsada ng Majaas.

Hindi ko inakala noong simula
bubunga pala nang ganito, magkakaroon ng
dalawang tao na parehong napamahal.

Kung alam ko lang noon, pinanghawakan ko sana
ang bawat nakasusunog na araw.
Bubunga pala nang ganito, magkakaroon ng

hangganan, matatapos din pala
ang bawat nakasusunog na araw.
Masanay ka na siguro, kaunti na lang
kayo na tinawag kong akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s